Biyernes, Disyembre 9, 2016

Caffeine, Nikotina at Alkohol


Bihira sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot tulad ng heroine o cocaine, ang hindi nakatikim ng gateway drugs. Ano nga ba ang Gateway Drugs? Ito ay ang unang hakbang sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ang paggamit ng mga gateway drugs tulad ng mga pagkaing may caffeine, tobacco at alcohol. https://www.youtube.com/watch?v=pYr3c4_J0Sc

Narito ang mga halimbawa ng mga pagkain o inumin na may caffeine.


 Ang caffeine ay isang uri ng gamot na natural na matatagpuan sa mga dahon at buto ng maraming uri ng halaman. Maaari rin itong gawin sa artipisyal na pamamaraan at ilahok sa mga pagkain. Ito ay itinuturing na gamot o drugs dahil sa nagpapagising ito sa ating central nervous system na nagiging sanhi ng pagiging aktibo ng isang indibidwal. Matatagpuan ito sa maraming inumin tulad ng kape, tsokolate, at soft drinks, gayundin sa mga pain relievers at mga gamot na mabibili ng walang reseta. Mapait ang lasa ng caffeine kung kaya’t dumadaan sa mahabang proseso ang mga inuming may caffeine upang mawala ang pait ng lasa nito. Ang caffeine ay hindi naiiwan sa katawan ngunit mararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim na oras. Ito ay itinuturing na diuretic, nagiging sanhi ito ng pag- ihi ng madalas ng mga taong kumokunsumo nito. Ang mga pagkaing may gamot na caffeine ay karaniwang mabibili sa mga botika, sari- sari stores, groceries at maging sa convenience stores. Maraming pagkain at inuming may caffeine tulad ng nasa listahang inihaanda ko.
 
Inumin/ Pagkain
/ Gamot
Dami ng Inumin/              Pagkain
Dami ng             Caffeine
SoBe No Fear
8 ounces
83 mg
Monster energy                  drink
16 ounces
160 mg
Rockstar energy                drink
8 ounces
80 mg
Red Bull energy                  drink
8.3 ounces
80 mg
Jolt cola
12 ounces
72 mg
Mountain Dew
12 ounces
55 mg
Coca-Cola
12 ounces
34 mg
Diet Coke
12 ounces
45 mg
Pepsi
12 ounces
38 mg
7-Up
12 ounces
0 mg
Brewed coffee                   (drip method)
5 ounces
115 mg*
Iced tea
12 ounces
70 mg*
Cocoa beverage
5 ounces
4 mg*
Chocolate milk                    beverage
8 ounces
5 mg*
Dark chocolate
1 ounce
20 mg*
Milk chocolate
1 ounce
6 mg*
Jolt gum
1 stick
33 mg
Cold relief                          medication
1 tablet
30 mg*
Vivarin
1 tablet
200 mg
Excedrin extra                    strength
2 tablets
130 mg


*Nangangahulugan ng karampatang dami ng caffeine na maaaring ikonsumo.


Para sa maraming tao, ang pag- inom ng kape ay karaniwang inumin lamang ngunit lingid sa kanilang kaalaman, nagiging daan ito sa pagkagumon. Unang hakbang ang pag- inom ng kape, ang pagkonsumo ng higit sa 100mg nito ay nagdudulot sa pagkadepende ng isang tao sa pag- inom nito.  https://www.youtube.com/watch?v=na47eY5lgoE

Alcohol ang pag- inom ng mga inuming may alcohol tulad ng beer at alak ay nagdudulot din ng adiksyon. Ang alcohol ay nilikha mula sa katas ng prutas, o gulay na tinatawag na fermented. Ang alcohol ay parang tubig o Kristal dahil sa kulay nitong puti. Ang pagbuburo ay isang proseso na gumagamit ng yeast o bakterya upang baguhin ang sugars sa pagkain sa alak. Ang Pagbuburo ay ginagamit upang makagawa ng maraming mga kinakailangang mga item. Ang alcohol ay may iba't ibang mga form at maaaring magamit bilang isang malinis, o isang antiseptiko, o di kayay isang gamot na pampakalma.
Ang beer, alak at iba pang inuming may alcohol ay isa sa malawakang  inuming kinukunsumo sa maraming bansa sa mundo. Katulad ng tabako, ang alcohol ay isa sa mga legal na gateway drugs na pinagsisimulan upang ang isang tao ay malulong sa ipinagbabawal na gamot. Sa simula, ang pag-inom ng alak ay ginagawa sa tuwing may mga okasyon lamang ngunit sa pagtagal, ang pag- inom ng alak ay nagiging karaniwang gawain at libangan. Kahit ang isang tao ay hindi maitutring na alcoholic, malaki ang posibilidad na matuto rin siyang gumamit at malulong sa ipinagbabawal na gamot. Nangyayari ito, tuwing siya ay lasing o nagiging gawi dahil nakararanas siya ng kasiyahan sa paggamit nito.  https://www.youtube.com/watch?v=-oN2emCHMIg
Gayundin ang paggamit ng sigarilyo ay nagiging daan sa paggamit ng marijuana at iba pang ipinagbabawal na gamot. Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa nightshade plants partikular sa tabako plant na tinatawag ding Nicotiana tabacum. Ang ibang nightshade plants, gaya ng patatas, kamatis, at talong, ay mayroon ding nicotine ngunit mas mababa ang kanilang nicotine content kung ihahambing sa tabako. Ang nicotine ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako. Ang bawat piraso ng sigarilyo ay tinatayang may 1 mg nicotine.
Ang nicotine ay mabilis na pumapasok sa katawan. Mula sa baga, dumadaan ito sa bloodstream at sa loob ng pito hanggang sampung segundo ay pumapasok sa utak. Ang reaction ng utak sa nicotine ang nagdudulot ng nicotine addiction.
Mabilis din ang reaksyon ng puso sa nicotine. Nagdudulot ito ng pagtaas ng blood pressure at pagbilis ng pulso. Bumababa rin ang blood supply sanhi ng pagliit ng arteries. Bukod dito, nababawasan ang panustos ng oxygen sa cells dahil sa carbon monoxide ng sigarilyo. Dahil dito, ang nicotine ay ang tinuturong pangunahing sanhi ng cardiovascular disease at heart attack sa mga naninigarilyo.
Maraming tao ang inihahalintulad ang paninigarilyo sa pag- inom ng kape. Madalas ito ang nagiging sanhi o simula ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang taong natutong manigarilyo, karamihan ay nauuwi sa paggamit ng ilegal na droga, at karaniwang nagiging sanhi ito ng pagkalulong. Sa pinakabagong pag-aaral, ang paggamit ng E- cigarette ay hindi nakatutulong upang maiwasan ang paninigarilyo kundi mas nagiging pangkaraniwang gawain pa ito lalo na sa mata ng mga kabataan. Nagpapakita lamang ito na kapag naninigarilyo ang isang kabataan, nauuwi ito sa paggamit ng ibang ipinagbabawal na gamot. https://www.youtube.com/watch?v=2L8ZkbtEv3E
Naririto ang mga epekto ng mga sinasabing Gateway Drugs. https://www.youtube.com/watch?v=fF7SNcw7kxQ


Ayon sa mga eksperto, ang katamtamang konsumo ng kape (200 hanggang 300 milligrams, mga dalawa hanggang apat na tasa) ay hindi nakakaapekto sa kalusugan ngunit ang malakas na pagkonsumo nito (400 milligrams at mas mataas pa, mga apat pataas na tasa) ay nagdudulot ng hindi kanaisnais na mga sintomas tulad ng mga sumusunod:
§  Insomnia o kahirapan sa o kakulangan ng tulog
§  Nerbyos
§  Pagkairita
§  Pangangasim ng sikmura o gastroenteritis
§  Pangangatog ng kalamnan o muscle tremors
§  Nausea o pagkaduwal
§  Madalas na pag-ihi
§  Pagsusuka

Ang paggamit ng gateway drugs ng isang miyembro ng pamilya ay hindi nangangahulugan na siya ay magiging drug addict pagdating ng araw. Kinakailangan lamang na magkaroon ng kasiguruhan na alam ng inyong kapamilya ang panganib na dulot nito at mag- alok ng tulong kung sakaling may problema o dinaramdam ang isang kapamilya. Kadalasan,ang pagiging problemado ang nagiging dahilan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Maiiwasan ito kung palaging mayroong miyembro ng pamilya na  palaging handang tumulong at makinig.

Ang buhay ay mahalaga ito ay pinakamahalagang kaloob ng dyos sa atin.  Ang ating
mga sarili ay kumakatawan sa templo ng dyos sapagkat siya ang lumikha nito. Dapat lamang nating pahalagahan at wag sayangin. Iwanan at iwaksi na ang mga gawaing nakasanayang gawin kung ito naman ay nakakasira sa ating katawan. Magkaroon ng disiplina sa sarili at suriin ang mga pagkaing dapat ihain sa hapagkainan.  Iwasan gumamit ng mga produktong may caffeine, alcohol at tobacco sapagkat nalalaman na naten ang masasamang epekto nito sa ating kalusugan Kinakailangang matutong magdesisyon ng tama at di nagpapadala sa mga sinasabi ng iba o mga kaibigan, kabarkada. Mahalaga din na magkaroon palagi na pakikipagusap  o kumunikasyon sa bawat miyembro ng pamilya upang malaman ang kalagayan ng bawat isa.

Tukuyin ang mga sumusunod

1.       Ito ay isang nakakalasong kemikal puti na parang tubig na nakalalasing mula sa mga katas ng mga prutas kagaya ng mansanas at ubas._____________________
2.       Isang sangkap na inihahalo sa kape. Ito rin ang dahilan kung bakit nanatiling gising ang isang tao na nakatikim nito. _______________________
3.       Namula ito sa dahon o ugat ng tobaco. Kung saan isang sangkap din ito sa pag gawa ng sigarilyo. ­­­­­­­­­­­_______________________


Magbigay ng mga produktong may sangkap na caffeine, tobacco at alcohol. Pangkatin ang mga ito ayon sa sangkap na taglay nito.

Caffeine
Tobacco
Alcohol













Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek ( / ) kung paraan ito ng pag-iwas sa pagtikim ng mga produktong may sangkap ng mga gateway drugs.

______1. Pagkagising ni Maria ay nag-ehersisyo muna siya upang kapag napagod na ay tubig ang kanyang iinumin at hindi kape.
______2. Naghanap ng maaaring mapagkakaabalahan si mang Nestor kaysa sa paninigarilyo.
______3. Kapag walang ginagawa si mang Oscar ay tumatambay siya sa kanto kung saan naroroon ang mga grupo ng mga manginginom at maninigarilyo.
______4. Ginagawa ni Canor na abala ang kanyang sarili sa simbahan upang hindi malulong sa bawal na gamot sa kanilang lugar.
______5. Umiiwas si Randy sa mga nag uumpukan sa kanilang lugar.


Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap sa inyong kwaderno.Sa inyong natutunan sa araling ito ano ang iyong natuklasan at hindi nagustuhan? Bakit?  Ano ang kaya mong gawin upang hindi makasira sa buhay mo ang mga sigarilyo, kape at alkohol?

1.       Nalaman ko na ang kapeina pala ay galing sa __________________________ 
_______________________________________________________________
2.       Ngayon ay alam ko na kung saan nagmula ang alkohol at ito ay ____________
_______________________________________________________________
3.       Natuklasan ko na ang nikotina, alkohol at kapeina ay maari ding ____________

_______________________________________________________________


20 komento:

  1. Naayon sa panahon tamang tama upang malaman natin ang dapat na iwasan

    TumugonBurahin
  2. I like this blog post. I didn't know that there are so called 'gateway drugs' before I've read this. Thank you for such an enlightening and useful information.������

    TumugonBurahin
  3. Ms Ann, I like your post. It is helpful for the youth to learn what is "gateway drugs". Anything that exceeds to our limits has a bad implication to our body and that is health. Some leads to addiction. We should be aware of the food in take and conscious of the nutrition facts. And as much as possible don't push yourself to "bawal na gamot" out of curiosity.

    TumugonBurahin
  4. Wow! I love this post. I am already a science and health teacher but reading blogs is one of my hobby. Thanks for posting. This is very informative. Article like this is a great help for us readers like me because I'm a very busy person and i seldom go to the doctor to have my check up. This article added information to my knowledge. Thanks Ann for posting. Keep blogging. God bless!

    TumugonBurahin
  5. Ang dami kong natutunan sa blog na ito.

    TumugonBurahin
  6. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  7. Very well said and explained Domini Ann. Few people knows about this that drug addiction begins with this gateway drugs. Food with caffeine, nikotina and alcohol if taken too much will bring you to addiction. Congrats Ann and this blog will serve as a guide and awareness to people of all walks of life, the young, the youth and the adult. As we said, prevention is better than cure. So in the early stage we have to know the limits. This is a fact so far. There will be no question asks on this. How come you choose this blog? Is it because of the present trends and problems being tackled in our society? Very timing. So thanks for this information. Even me myself, upon reading this blog doesn't know about it. Now I learned from you. Good job. Keep it up
    From: THEENA LACSAMANA

    TumugonBurahin
  8. Dagdag kaalaman to saaken.salamat author!!! sakit.info

    TumugonBurahin
  9. Salamat, marami po akong natutunan. Sana marami pa mka open sa site na ito....

    TumugonBurahin
  10. Maraming salamat sa napakaganda at napakalawak na information....

    TumugonBurahin
  11. Thank you for this article it helps me a lot in making my discussion. God bless to the author.

    TumugonBurahin
  12. Thank you marami akong natutunan at magagawa kona po ang aking assignment.

    TumugonBurahin
  13. B. Panuto: Gamit Ang internet at mga ibat iBang sanggunian, magsaliksik Ng ibat iBang produkto na may sumusunod na gateway drugs. Ang layunin Ang gawaing ito ay makilala Ang mga produktong naglalaman Ng gateway drug upang maiwasan.
    Caffeine









    Nicotine








    Dopamine









    Alkohol​
























    TumugonBurahin